MENU

Most Wanted sa Pagpatay sa 1 Pulis, Arestado Matapos ang halos 30 Taong Pagtatago

 

Natapos na ang 30 taon na pagtatago ng nakilalang suspek na si Cesar Andal y Ambrosio, 61 taong gulang, walang asawa at walang trabaho, tubong Tanauan City, at kasalukuyang naninirahan sa Brgy. East Valencia, Buenavista, Guimaras.

 

Base sa ulat ni Batangas Police Provincial Office Provincial Director PCOL PEDRO D SOLIBA kay PRO CALABARZON Regional Director PBGEN JOSE MELENCIO C NARTATEZ JR., nadakip ang suspek sa bisa ng warrant of arrest na inihain ng pinagsamang pwersa ng Tanauan City Police Station, Anini-y Municipal Police Station-Antique Police Provincial Office at Jordan Municipal Police Station-Guimaras Police Provincial Office ganap na ika-9:15 ng umaga ng Enero 23, 2023 sa nabanggit na lugar.

 

Si Andal ay suspek sa pamamaril kay SPO2 Herminigildo Mercado y Guerrero na nangyari noong March 19, 1993 sa Brgy. Balele, Tanauan City, Batangas na nagresulta sa agarang pagkamatay ng bitkima. Ang suspek ay tinaguriang Most Wanted Person National Level na may pabuya na P60,000.00 mula sa Department of the Interior and Local Government (DILG).

 

Kasalukuyang nasa kustodiya ng Tanauan City Police Station ang naarestong most wanted person.