MENU

“Alay na Dugo sa Araw ng Mga Puso”

 

Isang mobile blood donation na may temang “Alay na Dugo sa Araw ng mga Puso” ang isinagawa ngayong araw ng Huwebes, Pebrero 11, 2021 bilang handog ng Batangas Provincial Blood Council kaisa ang Soroptomist International Batangas Downtown.

 

Umabot sa 160 bags ng dugo ang naibigay ng mga blood donors na mga pulis mula sa Batangas PPO, miyembro ng Bureau of Fire Protection, at iba pang mga civilian na nakiisa sa gawaing ito.

 

"Isang simple ngunit makabuluhang gawain mula po sa inyong mga public servants na lagi pong naririto at handang maglingkod at magliligtas ng mga buhay. Hindi hadlang ang kasalukuyang sitwasyon upang maisagawa ang ganitong uri ng gawain kaya kami ay nananawagan rin po sa ating mga kababayan na nais magdonate ng dugo, maaari po kayong makipag-ugyanan sa PRC Batangas Chapter sa pamamagitan ng mga sumusunod na numero: 0917-135-6219 at 0917-773-4912”. –PCOL MALIMBAN. ###piobatangasppo