MENU

Accomplishment ng Batangas PNP Kontra Kriminalidad sa Unang Buwan ng Taong 2021

 

Dahil sa aktibong kampanya kontra kriminalidad ng Batangas Police Provincial Office sa pamumuno ni BPPO Provincial Director, PCOL REX ARVIN T. MALIMBAN, umabot sa 833 na indibidwal ang naaresto nitong buwan ng Enero taong 2021.

 

Kasama rito ay ang pagkakaaresto sa 162 na mga wanted sa batas kung saan 56 rito ay tinaguriang Most Wanted Persons (MWP), apat (4) ang kabilang sa MWP Regional Level, pito (7) sa MWP Provincial Level, labintatlo (13) naman ang kabilang sa MWP City Level, samantalang 32 ang kasama sa MWP Municipal Level; 106 ang mga kabilang sa Other Wanted Persons (OWP).

 

Naaresto rin ang nasa 266 na drug personalities. Tinatayang 371.35 gramo ng shabu at 26.4 na gramo ng marijuana ang nakumpiska na may Dangerous Drug Board (DDB) Value ng higit kumulang P2,365,075.84.

 

Nasa 386 naman ang naaresto dahil sa iligal na pagsusugal. Sa kampanya kontra iligal na baril, labingsiyam (19) ang nadakip at nasa dalawapu’t isa (21) ang mga nakumpiskang baril.

 

Sa ilalim naman ng BALIK-Armas (BAtangueñong Layuning Ilagak sa pulis ang kanilang armas para sa Kapayapaan) Program, 71 mga baril ang naiturn-over ng mga gun owners for safekeeping sa ating kapulisan habang inaayos ang renewal ng mga lisensya nito.

 

“Mas pag-iibayuhin po ng inyong kapulisan ang mga kampanya kontra kriminalidad at pagsasagawa ng iba’t ibang programa para sa kaayusan at katahimikan sa ating probinsya. Ang inyo pong higit na pagsuporta sa Batangas PNP ay malaking tulong para makamit ang pagkakaroon ng mapayapang komunidad”. - PCOL MALIMBAN. ###piobatangasppo