MENU
  • 1 of 4 banner content d1
  • 2 of 4 banner content d2
  • 3 of 4 banner content d3
  • 4 of 4 banner content d0
New Provincial Director Assumes Office at Batangas PPO
 
Batangas Police Provincial Office warmly welcomed its newly installed Provincial Director, PCOL SAMSON BELGICA BELMONTE at 10:00 AM of June 27, 2023 at the Turn-Over of Office Ceremony in Mulit-Purpose Center of Camp General Miguel C Malvar which was presided by the Acting Chief of Regional Staff of Police Regional Office CALABARZON, PCOL MARIANO CURAMEG RODRIGUEZ.
 
In the message of outgoing Provincial Director, POLICE COLONEL RAINERIO MAGNAYE DE CHAVEZ, he thanked the men and women of Batangas PPO who supported his stint as Acting Provincial Director. He added that he was very thankful for all the persons who trusted his administration. Also, he mentioned that he is glad during his stay at Batangas PPO.
 
Meanwhile, current Provincial Director, POLICE COLONEL SAMSON BELGICA BELMONTE, recognized the efforts of the outgoing Provincial Director. PCOL BELMONTE thanked the officials of the higher headquarters who believed in his capacity as the incoming head of Batangas Police. He also mentioned that he will do his best in making Batangas PPO the best Police Provincial Office and in making it possible, he needs the help of all police officers of Batangas.
 
“Allow me to serve Batangas PPO with all of my capacity. Let us show the community the true meaning of Serbisyong Nagkakaisa.” – PCOL BELMONTE
170k Halaga ng Shabu, Nasabat ng Batangas PNP
 
Ayon sa ulat ni Batangas PPO, Acting Provincial Director, PCOL RAINERIO M DE CHAVEZ kay PRO CALABARZON, Regional Director, PBGEN CARLITO M GACES, tinayang nasa 25 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng ₱170,000.00 ang nasabat sa ikinasang Buy Bust operasyon ng Office of the Provincial Director – Drug Enforcement Unit katuwang ang mga operatiba ng Batangas City Police Station noong ika-4 ng madaling araw ng June 25, 2023 sa Barangay Balagtas, Batangas City.
 
Kinilala ang 2 akusado na sina Debbie Calimag y Luzon alyas Empiang, 37 years old, tubong Pateros and nakatira sa Brgy. San Andress, Cainta, Rizal at si Ronell Salamagos y Escano alyas Ron, 33 years old, tubong Taguig City at residente of Brgy San, Andres, Cainta Rizal. Ang dalawang akusado ay mag live in at pawang mga Street Level Individual.
 
Nadakip ang mga suspek matapos itong maaktuhan sa pagbebenta ng isang malaking pakete ng hinihinalang shabu na may halagang ₱60,000.00 (buybust money) sa isang police poseur buyer. Narekober din mula sa mga akusado ang isang cellphone, itim na bag, at Yamaha na motorsiklo.
 
Ang mga naaresto ay sasampahan ng kasong paglabag sa section 5 at 11 ng Republic Act 9165 o “Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002”.

Most Wanted Person sa CALABARZON na may kasong Arson

 

Arestado ang Most Wanted Person ng CALABARZON (Regional Level) sa kasong Arson sa isinagawang Operation ng pinagsamasamang Tracker Team ng Rosario MPS, mga miyembro ng RIU 4A-PIT Batangas, PIU Batangas, Batangas Maritime Police Station, SOU 3 at Maritime Group nito lamang umaga, Hunyo 19, 2023.

Sa pamumuno ni Provincial Director Police Colonel RAINERIO M DE CHAVEZ sa ilalim ng pangangasiwa ni Police Regional Office CALABARZON Regional Director Police Brigadier General CARLITO M GACES, kinilala ang suspek na si Emhel Reyes y Almarez alias Emil/Ungay, 25 taong gulang, walang asawa at nakatira sa nasabing bayan. Naaresto ang akusado sa bisa ng Alyas Warrant of Arrest na inisyu ng Presiding Judge ng Regional Trial Court, Branch 8, Pallocan West, Batangas City na may petsang Agosto 02, 2019 at walang rekomendadong piyansa.

Naganap umano ang krimen noong Hunyo 09, 2018 bandang 09:30 ng umaga sa San Pascual, Batangas na nagdulot ng pinsala sa tirahan ng mag-asawang si Reynaldo at Leticia Hornilla. Umabot sa Php 100, 000.00 ang halaga ng naging pinsalang ari-arian. At ang biktima ay nagsampa ng pormal na reklamo laban sa akusado kaya naman, inilabas ang Warrant of Arrest.

“Ang Pambansang Pulisya ay hindi tumitigil sa paghuli sa mga taong may pananagutan sa batas upang maibigay ang hustisya sa mga naging biktima nito.”. –PCOL DE CHAVEZ

Tinatayang 88K Halaga ng Iligal na Droga, Nasabat sa 2 Indibidwal sa Batangas City
 
Sa ulat ni Acting Provincial Director, PCOL RAINERIO M DE CHAVEZ kay PRO CALABARZON Regional Director, PBGEN CARLITO M GACES, nasabat sa dalawang indibidwal na sina Emmanuel Celemen y Obejera @ Bawi, 60 taong gulang at Raymart Rasay y Ocampo @ Mark, 33 taong gulang kapwa nakatira sa Batangas City. Tinatayang labintatlong (13) gramo ng “shabu” na nagkakahalaga ng nasa P88,400.00 matapos magkasa ng buy-bust operation ang mga operatiba ng Provincial Drugs Enforcement Unit (PDEU), Batangas City Police Station, at Mabini Municipal Police Station dakong alas 12:50 ng madaling araw ng Hunyo 23, 2023 sa Brgy. Balagtas, Batangas City.
 
Nadakip ang mga suspek matapos itong maaktuhan sa pagbebenta ng tatlong malaking pakete ng hinihinalang shabu na may halagang P25,000.00 (buybust money) sa isang police poseur buyer. Kabilang din sa mga narekober sa kanila ang isang itim na Redmi cellular phone.
 
Ang mga naarestong suspek ay sasampahan ng kasong paglabag sa section 5 at 11 ng Republic Act 9165 o “Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2022”.
 
"Patuloy na maging mapagmatyag sa inyong kapaligiran at agad na ipagbigay alam sa mga awtoridad ang anumang mahalagang impormasyon hinggil sa mga iligal na aktibidad sa inyong lugar para sa inyong kaligtasan. Magtulungan po tayo na sugpuin ito lalo na ang iligal na droga para sa kaligtasan ng lahat”. –PCOL DE CHAVEZ

Construction worker, huli sa kasong Rape

Nasakote ng Batangas PNP ang Most Wanted Person (Regional Level) na construction worker bandang 10:50 ng umaga ng Hunyo 8, 2023 sa isang manhunt operation sa Tanauan City, Batangas. Ayon sa report ni Batangas PPO Provincial Director, PCOL RAINERIO M DE CHAVEZ kay PRO CALABARZON Regional Director, PBGEN CARLITO M GACES.  

Nahuli ng Tanauan City Police Station si Michael Siman y Castro, may asawa, 39 taong gulang, construction worker, nakatira sa nasabing bayan sa bisa ng Warrant of Arrest sa kasong rape na inilabas noong Mayo 30, 2023 sa Regional Trial Court, Branch 6, Tanauan City, Batangas na walang inirekomendang piyansa.

Ang suspek ay kinasuhan ng panggagahasa sa kanyang step daughter na biktima, noong ika Marso 20, 2023 sa nabanggit na bayan. Ang naaresto ay kasalukuyang nasa pangangalaga ng Tanauan CPS habang inaabisuhan ang court of origin hinggil sa pagdakip sa kanila.

“Ang Batangas PNP ay magpapatuloy sa pagsagawa ng operasyon at hindi kami titigil hanggat di namin nahuhuli ang mga most wanted upang mapanagot sa batas para mabigyan ng hustisya ang mga biktima”. -PCOL DE CHAVEZ