MENU

ASCOTF 4A Commander Bumisitang Muli sa Batangas PPO

 

Bumisitang muli si Deputy Regional Director for Administration (DRDA) 4A PBGEN ISMAEL S YU sa Batangas Police Provincial Office (BPPO) ngayong araw Miyerkules, Marso 24, 2021 kung saan pinangunahan ni BPPO Provincial Director PCOL REX ARVIN T MALIMBAN ang iginawad na arrival honor sa kanyang pagdating.

 

Bilang siya ay itinalagang Administrative Support to COVID -19 Operations Task Force (ASCOTF) Commander ng PRO 4A, kasama sa kanyang responsibilidad na makapagbigay ng suportang pang-administratibo upang mabalangkas ng bawat Police Provincial Office sa CALABARZON ang mga patakaran at estratehiyang pamamaraan upang matugunan ng PNP ang lumalalang krisis sa kalusugan sa ating bansa. Ang kanyang pagbisita sa Batangas PPO ay may layong matiyak na ang mga protokol pangkalusugan ay mahigpit pa ring naipatutupad upang matigil ang pagkalat ng virus habang wastong naisasagawa ng ating kapulisan ang iba pang mga operasyon kaugnay sa kasalukuyang pandemya upang maging epektibo. ###piobatangasppo