MENU

Chief PNP Pinangunahan ang Tree Planting sa Batangas; Kasunod ang Presentasyon ng mga Sumukong Rebelde

 

Pinangunahan ni Chief PNP PGEN DEBOLD M SINAS ang Tree Planting activity sa Lagadlarin Magrove Forest Lobo, Batangas na may temang “Bakawan ay Pangalagaan, Bigyan ng Buhay ang Inang Kalikasan”. Katuwang ang lokal na pamahalaan ng Lobo sa pamumuno ni Municipal Mayor Gaudioso  R Manalo, Department of Environment and Natural Resources (DENR4A), Local Government Unit Lobo (LGU), kasama ng mga pulis mula sa PNP National Headquarters and Regional 4A Headquarters, Special Action Force (SAF), Regional Mobile Force Battalion (RMFB) 4A, Batangas Police Provincial Office sa pamumuno ni BPPO Provincial Director PCOL REX ARVIN T MALIMBAN, Batangas Provincial Mobile Force Company (BPMFC), Lobo Municipal Police Station, at Philippine Air Force. Nasa 5,000 puno ng “mangrove” o kilala sa tawag na bakawan ang matagumpay na naitanim sa nasabing lugar.

 

Ang Tree Planting Activity na ay isa sa mga programa ni Chief PNP PGEN DEBOLD M SINAS, na kung saan layunin ito na makapag tanim ng 10 na puno ang bawat pulis sa  buong Pilipinas, alinsunod sa Core Values ng Pambansang Pulisya ng Pilipinas na “Pulis Makakalikasan, para maisulong ang pangangalaga sa inang kalikasan, mag-ambag ng maberdeng kapaligiran, madagdagan ang kamalayan ng pamamayanan  kung paano pangalagaan ang kalikasan at pagkakaroon ng ugnayan mula sa PNP at LGU’s sa pagprotekta sa kapaligiran.

 

Tampok rin sa isinagawang aktibidad ang presentasyon ng 76 na mga sumukong rebelde kasama ang kanilang mga armas. Sa mga sumukong ito sa mga awtoridad ng Police Regional Office (PRO) 4A, 38 ay mula sa Ganap na Kasapi at ang 38 iba pa ay miyembro naman ng Kandidatong Kasapi. Ang seremonya ay sinaksihan nina PGEN SINAS kasama sina Regional Director 4A PBGEN FELIPE R NATIVIDAD, Pastor Adiel De Torres, ang kinatawan ng Sta Rosa City Mayor at Regional Advisory Council (RAC) 4A Chairman na si Hon. Arlene Arcillas, at iba pang mga mahahalagang panauhin. Nasa P1M halaga ng tseke ang ipinagkaloob para sa mga sumukong rebelde sa pamamagitan ng “Project Sikap, limang libo piso at mga grocery items sa bawat sumukong rebelde”.

 

"Isang karangalan sa aming kapulisan ng Batangas ang makasama ng ating Chief PNP at Regional Director kasama ang iba pang mga miyembro ng PNP organization at LGU sa ganitong uri ng gawain para sa ating Inang kalikasan gayundin ang maging parte ng pagsulong ng layuning magkaisa ang bawat mamamayang Pilipino tungo sa mapayapang bansang Pilipinas”. –PCOL MALIMBAN. ###piobatangasppo