MENU

 

Buybust ng Lipa City PNP Nagresulta sa Engkwentro; Humigit Kumulang P204K na Halaga ng Shabu, Nakuha sa Suspek

Higit kumulang 18.31 gramo ng shabu na tinatayang nagkakahalaga ng P204,000.00 ang nakuha sa nanlabang suspek sa isinagawang buybust operation ng pinagsanib na pwersa ng Lipa City Police Station at Regional Drug Enforcement Unit (RDEU) dakong alas 11:00 ng gabi araw ng Martes, Enero 19, 2021 sa Purok 1, Brgy. Mataas na Lupa, Lipa City, Batangas.

Alinsabay sa pag-aresto sa suspek matapos ang transaksyon ay nakahalata ang nasabing suspek na ang kanyang katransaksyon ay isa palang pulis kung kaya’t agad itong bumunot ng kanyang baril at pinaputukan ang operatiba na nagpanggap na poseur buyer. Ang pangyayaring ito ay nagresulta sa engkwentro na ikinasugat ng suspek kung kaya’t isinugod ito sa pinakamalapit na pagamutan (Mary Mediatrix Medical Center) subalit idineklarang dead on arrival ng attending physician ng nasabing pagamutan. Kinilala ang suspek na si Neil Vivencio Icaro Katigbak, 39, with live-in partner, driver, tubong Brgy. Banjo West, Tanauan City, Batangas, at kasalukuyang naninirahan sa Sitio Tubigan, Brgy. Namuco, Rosario, Batangas. 

Samantala, narekober din sa suspek ang isang magnum revolver, sampung (10) pirasong isang libong piso kasama na ang isang orihinal na P1,000.00 na ginamit na boodle money sa nasabing operasyon at ang sasakyang ginamit ng suspek na isang (1) kulay berde na Nissan Sentra na may plakang UDM 700. ###piobatangasppo