MENU

429 na Indibidwal ang Nahuli sa Dalawang Linggong Operasyon ng Batangas PNP 

Umabot na sa 429 na indibidwal ang naaresto sa dalawang linggong operasyon (Enero 1-17, 2021) kontra kriminalidad ng Batangas Police Provincial Office sa pamumuno ni BPPO Provincial Director, PCOL REX ARVIN T. MALIMBAN.

Nasa 67 wanted persons ang nahuli ng mga operatiba ng Batangas PPO sa bisa ng mga inihaing warrant of arrests. Dalawampu’t dalawa (22) rito ay tinaguriang Most Wanted Persons (MWP), dalawa ang kabilang sa MWP Regional Level, tatlo sa MWP Provincial Level, apat (4) naman ang kabilang sa MWP City Level, samantalang labingtatlo (13) ang kasama sa MWP Municipal Level.

Sa operasyon naman kontra iligal na droga, 129 na drug personalities ang nahuli. Tinatayang 286.37 gramo ng shabu at 9.96 na gramo ng marijuana ang nakumpiska at nagkakahalaga ng higit kumulang P1,948,511.00.

Sa opersayon naman kontra iligal na sugal, umabot sa 223 katao ang nahuli samantalang sampu (10) katao naman ang nahuli dahil sa iligal na baril. Sa kabilang banda, dalawampu’t dalawang (22) mga baril ang naiturn-over ng mga gun owners for safekeeping sa ating kapulisan habang inaayos ang renewal ng mga lisensya nito.