Ang inyo pong lingkod

habang nagbibigay ng kaunting tulong kay Ginoong Joel Benosa, isang manggagawa sa Sunrise Subd., Lipa City. Dahil sa matinding pangangailangan ng kanyang pamilya, humingi siya ng tulong upang makauwi sa Rodriguez, Rizal.

Agad na nakipag-uganayan ang inyong lingkod sa Rodriguez Mun. Police Station sa pamumuno ni PLTCOL REXPHER GAOIRAN upang matulungan si Ginoong Benosa.

Lubos ang pagpapasalamat at pagpupugay ni Ginoong Benosa sa ating mga kapulisan na naging daan upang makauwi at makasama niya ang kaniyang pamilya.