Tinatayang 88K Halaga ng Iligal na Droga, Nasabat sa 2 Indibidwal sa Batangas City
 
Sa ulat ni Acting Provincial Director, PCOL RAINERIO M DE CHAVEZ kay PRO CALABARZON Regional Director, PBGEN CARLITO M GACES, nasabat sa dalawang indibidwal na sina Emmanuel Celemen y Obejera @ Bawi, 60 taong gulang at Raymart Rasay y Ocampo @ Mark, 33 taong gulang kapwa nakatira sa Batangas City. Tinatayang labintatlong (13) gramo ng “shabu” na nagkakahalaga ng nasa P88,400.00 matapos magkasa ng buy-bust operation ang mga operatiba ng Provincial Drugs Enforcement Unit (PDEU), Batangas City Police Station, at Mabini Municipal Police Station dakong alas 12:50 ng madaling araw ng Hunyo 23, 2023 sa Brgy. Balagtas, Batangas City.
 
Nadakip ang mga suspek matapos itong maaktuhan sa pagbebenta ng tatlong malaking pakete ng hinihinalang shabu na may halagang P25,000.00 (buybust money) sa isang police poseur buyer. Kabilang din sa mga narekober sa kanila ang isang itim na Redmi cellular phone.
 
Ang mga naarestong suspek ay sasampahan ng kasong paglabag sa section 5 at 11 ng Republic Act 9165 o “Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2022”.
 
"Patuloy na maging mapagmatyag sa inyong kapaligiran at agad na ipagbigay alam sa mga awtoridad ang anumang mahalagang impormasyon hinggil sa mga iligal na aktibidad sa inyong lugar para sa inyong kaligtasan. Magtulungan po tayo na sugpuin ito lalo na ang iligal na droga para sa kaligtasan ng lahat”. –PCOL DE CHAVEZ