Construction worker, huli sa kasong Rape

Nasakote ng Batangas PNP ang Most Wanted Person (Regional Level) na construction worker bandang 10:50 ng umaga ng Hunyo 8, 2023 sa isang manhunt operation sa Tanauan City, Batangas. Ayon sa report ni Batangas PPO Provincial Director, PCOL RAINERIO M DE CHAVEZ kay PRO CALABARZON Regional Director, PBGEN CARLITO M GACES.  

Nahuli ng Tanauan City Police Station si Michael Siman y Castro, may asawa, 39 taong gulang, construction worker, nakatira sa nasabing bayan sa bisa ng Warrant of Arrest sa kasong rape na inilabas noong Mayo 30, 2023 sa Regional Trial Court, Branch 6, Tanauan City, Batangas na walang inirekomendang piyansa.

Ang suspek ay kinasuhan ng panggagahasa sa kanyang step daughter na biktima, noong ika Marso 20, 2023 sa nabanggit na bayan. Ang naaresto ay kasalukuyang nasa pangangalaga ng Tanauan CPS habang inaabisuhan ang court of origin hinggil sa pagdakip sa kanila.

“Ang Batangas PNP ay magpapatuloy sa pagsagawa ng operasyon at hindi kami titigil hanggat di namin nahuhuli ang mga most wanted upang mapanagot sa batas para mabigyan ng hustisya ang mga biktima”. -PCOL DE CHAVEZ